Wednesday, September 3, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

Kasbihasnang Mesopotamia

- lupain sa pagitan ng mga ilog
- dalawang ilog - Ilog Tigris
                        - Ilog Euphrates
- kilala sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog, 
  ang Fertile Crescent

SUMER

Mapa ng Sumer
Ang lipunan sa Sumer ay napapangkat sa apat. Ito ay ang mga:
- pari at hari
- mayayamang mangangalakal
- magsasaka at artisano
- alipin






AKKADIAN

Busto ni Sargon the Great
Unti- unting nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng kaharian ng Akkad na pinamunuan ni Sargon the Great. Lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala bilang unang imperyo, ito ay nagtagal ng mahigit 200 taon.









BABYLONIAN

Ang mga Amorites ang nagtatag ng kabisera sa Babylon (nangangahulugang pintuan ng langit). Sa pagitan ng taong 1792 hanggang 1750 BCE nakamit ng imperyong Babylonian ang kapangyarihan sa pamumuno ni Hammurabi. Pagkalipas ng 2 siglo, nabuwag ang imperyo.




ASSYRIAN

 Sinakop ng mga Assyrian ang lupain ng Mesopotamia, Egypt at Anatolia sa loob ng 850 hanggang 650 BCE. Hindi nagtagal ang imperyo ng mga Assyrian dahil nag- alsa ang kanilang nasasakupang mamamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan at pagsapit ng 612 BCE tuluyan nang nagwakas ang imperyo ng mga Assyrian.



CHALDEAN

Itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar. Pinagawa niya ang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Pagsapit ng taong 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng mga Chaldean.






MGA AMBAG

- transportasyon, nilikha ng mga Sumeryano ang gulong at layag
- araro, pambungkal ng lupa
- bronse, kasangkapan at armas
- cuneiform, sistema ng pagsulat
- stylus, tabletang putik na ginagamit sa pagsusulat ng cuneiform

Kabihasnang Egypt

Menes
Nahati ang Egypt sa dalawang kaharian sa ilalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: 
- lumang kaharian
- gitnang kaharian
- bagong kaharian







LUMANG KAHARIAN

Paraon
- itinuturing na isang diyos
- tungkulin ng paraon na pangakagaan ang kaharian mula sa mga mananakop
- tungkulin din niya ang pagsasaayos ng transportasyon, komunikasyon, at ang               pakikipagkalakalan sa ibang mga bayan
- katuwang niya ang isang punong ministro na namamahala sa paniningil ng buwis, pagsasaka, at pagsasayos ng irigasyon







Lumang Kaharian
- tinatawag ding "Panahon ng Piramide"